ESPIRITISTA, ALBULARYO AT MANGHUHULA (Em Filipino)

Articles - AlbularyoHalo halo ang paniniwala ng mga tao. Ngunit ang hindi ko matanggap ay sa oras na halo halo ang paniniwala ng isang taong nagsasabing “CHRISTIAN” daw sya. Dahil ang isang tunay na sumusunod sa Diyos ay walang ibang sinusunod o pinakikinggan maliban ang Diyos.

Isipin mo na lamang ang topic patungkol sa mga albularyo at espiritista. Kapag may mga kababalaghang nangyayari tulad ng hindi maipaliwanag na karamdaman, kamalasan sa pinansyal, “nauusog” at iba pa, mayroong mga Christians na lumalapit pa rin sa mga albularyo at espiritista para humingi ng tulong!

Naniniwala ako (dahil sa nakita ko na ang mga ito) sa kulam, inggit, at mga taong sinasaniban ng masasamang espirito. Kahit sa Biblia, mayroong mga nakasulat patungkol dito. Pero ang tanong ay, dapat nga bang lumapit ang isang taong tunay na niniwala sa Diyos sa mga espiritista, albularyo, manghuhula at iba pang mga katulad nito?

Sabi sa Leviticus 19:31: “Huwag kayong sasangguni sa mga kumakausap sa mga espiritu ng mga namatay o sa mga manghuhula. Kayo ay ituturing na marumi kapag sumangguni kayo sa kanila. Ako ang inyong Diyos.”

Sabi naman sa Isaiah 8:19-20: “Kapag may nagsabi sa inyo: “Sumangguni kayo sa mga espiritu ng namatay at sa mga manghuhula. Hindi ba dapat sumangguni ang mga tao sa kanilang Diyos?” Ganito ang inyong isasagot, “ nasa inyo ang aral at tagubilin ng Diyos! Huwag kayong makikinig sa mga sumasangguni sa espiritu, ipapahamak lamang kayo ng mga iyon.”

Kailangan pa ba itong ipaliwanag? Hindi mo ba ito naiintindihan?

Ang problema kasi sa mga tao ay halo halo ang paniniwala ng mga ito. Sinasabi nilang naniniwala sila sa Diyos, malakas daw ang Diyos, wala daw imposible sa Diyos, pero kapag mas espiritwal na problema, naghahanap at lumalapit naman agad sila sa mga “mahihiwagang” tao na “makakatulong” sa kanila.

Kung tinatawag mo ang iyong sarili na tunay na tagasunod ng Panginoong Hesus, dapat mong panghawakan ito. Tandaan mo na walang engkanto, dwende, white lady, kapre, tikbalang, aswang, dyablo, demonyo at kahit na si satanas ang maaaring tumalo sa PANGALAN NI HESUS. Sa Pangalan Niya maaaring lumaya ka at ang iyong pamilya na may espiritwal na problema.

Kung may problema kang espiritwal, tawagan mo kami sa aming helpline at tutulungan ka naming lumaya sa Pangalan ni Hesus. Ngayon, kung sa palagay mo, hindi sapat si Hesus, at ang kailangan mo ay pausok, laway sa noo para hindi mausog at kung anu ano pang ka-demonyohan, hindi ka namin maaaring tulungan.

 – UCKG Hong Kong

China - Hong KongVisit us:
14/F Tung Hip Commercial Building
244 – 252 Des Voeux Road Central
Sheung Wan – Hong Kong S.A.R
email: uckghk@yahoo.com
Phone: +852 6079 9107

Publicado em Sem categoria. Leave a Comment »

Deixe uma resposta

Preencha os seus dados abaixo ou clique em um ícone para log in:

Logotipo do WordPress.com

Você está comentando utilizando sua conta WordPress.com. Sair / Alterar )

Imagem do Twitter

Você está comentando utilizando sua conta Twitter. Sair / Alterar )

Foto do Facebook

Você está comentando utilizando sua conta Facebook. Sair / Alterar )

Foto do Google+

Você está comentando utilizando sua conta Google+. Sair / Alterar )

Conectando a %s

%d blogueiros gostam disto: